Connect with us

Aklan News

Magpamilya naaksidente dahil sa aso

Published

on

Dahil umano sa tumawid na aso sa kalsada, sugatan ang isang magpamilya motorsiklo matapos maaksidente kagabi sa bahagi ng Osmena Ave., Estancia, Kalibo.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, nagmula sa bayan ng Banga ang magpamilya na hindi na nagpabanggit ng pangalan at pauwi na sa bayan ng Kalibo ng mangyari ang aksidente.

Dahil sa aksidente ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.

Kaagad naman silang dinala sa Aklan Provincial Hospital ng nga rumespondeng rescuer para sa karampatang paggamot.

Samantala, matapos malapatan ng paunang-lunas ay ini-refer naman ang mga ito sa Outpatient Department.