Connect with us

Aklan News

Lasing na rider, nagpakilalang empleyado ng LTO upang matakasan ang bayolasyon

Published

on

Kalibo Municipal Police Station/FB Page

Nagpakilalang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) ang isang lasing na motorcycle rider matapos sitahin ng Kalibo Auxillary Police (KAP) member dahil sa bayolasyon nitong modified muffler  at pagmamaneho ng lasing.

Ayon sa Kalibo PNP, habang nagbabantay si KAP Member Lorenzo Callar sa may bahagi ng Jaime Cardinal Sin Ave. sa Brgy. Andagao, Kalibo kaninang madaling araw, ay napansin nito ang isang itim na Zuzuki Raider 150 na walang plate number at naka-modified muffler.

Sinita ng KAP member ang drayber ng naturang motorsiklo na nakilala kay Dyved Taunan, residente ng Poblacion, Malay.

Ngunit ayon kay KAP member Callar ay nagpakilala itong miyembro ng LTO at tumangging magbigay ng ID sabay paharurot ng kanyang motorsiklo upang tumakas.

Dagdag nito, nahagip pa umano ng drayber ang kanyang kanang paa.

Subalit, bigo itong makatakas dahil napigilan ito ng mga bystander na nasa lugar at kagaad na inisyuhan ng citation ticket samantalang naka-impund na ngayon sa Kalibo Police Station ang motorsiklo ni Taunan.