Aklan News
Numancia PNP may person of interest na sa nakitang bangkay sa Brgy. Albasan
Mayroon nang apat na persons of interest na tinututukan ang Numancia PNP sa pagpatay kay Jack Mererague, ang nakitang bangkay na nakabalot ng kumot sa gilid ng kalsada sa Barangay Albasan, Numancia, Aklan.
Ayon kay PCPL Arjorine Mendoza ng Numancia PNP ito ang lumabas sa kanilang imbestigasyon matapos makita sa CCTV sa Tigayon,Kalibo kung saan nakita ang motorsiklo ng biktima.
Aniya, sa pagitan ng alas-9:26 hanggang alas-9:31 ng gabi noong Decemeber a-1 ay nakita sa CCTV na may dumating na topdown sa lugar sakay ang tatlong tao.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay may dumating na motorsiklo kung saan napag-alaman na pagmamay-ari pala ng biktima pero ibang tao na ang nagmamaneho.
Pahayag pa ni Mendoza na posibleng naitapon na ang bangkay bago pa nakita ang mga salarin sa nasabing lugar.
Kinabukasan aniya ay nakita na ang topdown sa Sitio Malingin, Barangay Camansi Norte, Numancia.
Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa kung ano ang totoong motibo sa kremin.