Connect with us

Aklan News

Mga paninda sa Kalibo Public Market, pinalalagyan ng price tag

Published

on

Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga vendors ng Kalibo Public Market na maglagay ng price tag sa mga produktong kanilang itinitinda.

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga vendors kasama ang taga DTI nitong Biyernes, December 9 tungkol sa price tagging.

Ayon kay Rosario Tampos, isang vendor na dumalo sa meeting, hindi sila pumayag sa price tagging dahil ang kanilang mga paninda ay perishable o madaling mabulok hindi gaya ng mga delata na dapat may Suggested Retail Price (SRP).

Pero ipinalliwanag sa kanila na matagal ng may batas tungkol dito at ito ay paraan para makontrol ang pagpapataas ng presyo sa mga produkto lalo na ngayong Christmas season.

Hindi naman aniya dapat na pareho-pareho ang presyo ng mga itinitinda nila basta’t dapat ay may price tag.

Hindi rin kasi pare-pareho ang mga presyo na nakukuha nila mula sa mga supplier.

Ngayong Lunes, may mga vendors na nagsimulang maglagay ng price tag sa kanilang mga paninda.