Connect with us

Aklan News

21 anyos at 17 anyos na menor de edad, suspek sa pagpatay kay Eduel Rebaño

Published

on

Natukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pumatay kay Eduel Rebaño sa Sitio Tugbungan, Brgy. Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga suspek dahil nabuksan nila ang sirang cellphone ng biktima na pinaayos ng imbestigador batay kay PLt. Abdon de Mateo ng Kalibo PNP station.

Doon nila nakita ang huling mga nakatransaksyon ng biktima bago nangyari ang malagim na krimen.

Nabatid na nagkasundo ang 21 anyos na suspek at 17 anyos na menor de edad pati ang biktima na magkita sa kubo kung saan siya natagpuang patay.

Inamin naman umano ng dalawa na pinaghahampas nila ng kahoy ang biktima at umalis sakay sa motorsiklo nito.

Narekober sa mga ito ang bag ng biktima, sila din ang nagturo kung nasaan ang motor nito na kasalukuyang hawak na ng pulisya.

Sinasabing nasampahan na din ng kaso ang 21 anyos na suspek tatlong buwan na ang nakakaraan habang ang 17 anyos naman ay kasama sa mga grupo-grupo sa Kalibo.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa dalawa.