Aklan News
4,000 turista bumibisita sa Boracay kada araw
Tumatanggap na ang Boracay island ng hindi bababa sa 4000 turista kada araw ngayong Christmas season.
Batay kay Mayor Frolibar Bautista, sinisugiro nila na hindi ito lumalagpas sa carrying capacity ng isla dahil may listahan naman sila ng lahat ng dumaraang turista sa Jetty Port.
Kung matatandaan, ipinahayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na dapat na obserbahang mabuti ang carrying capacity Boracay dahil natuklasan nila ang mahigit 800 sinkholes sa isla.
Ayon pa sa MGB, posibleng lumubog ang mga gusali sa pagguho ng lupa dahil sa mga naturang sinkhole na nakakalat umano sa 3 barangay sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na mayroon silang regulasyon na nagbabawal sa mga high-rise building sa isla at ang maximum height limit ay hanggang anim na palapag lang.
Nais rin nitong humingi ng mapa sa MGB na nagpapakita ng mga lugar na mayroong sinkholes para maiwasan na mappagpatayuan ng mga istruktura.