Connect with us

Aklan News

Naipamahaging ePhilID sa Aklan, umabot na sa mahigit 119k

Published

on

Umabot na sa mahigit 100,000 ang mga naipamahaging ePhilID sa lalawigan ng Aklan batay sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Rene Fernando, Focal Person ng PhilSys Aklan, na ang lalawigan ay may kabuuang bilang ng registrants na umaabot sa 483,689.

Mula sa nabanggit na bilang, nasa 119, 710 na ePhilID at 20,000 na mga physical card na ang naipamahagi ng registration team batay sa kanilang pinakahuling datos.

Aniya, kasalukuyang umuusad ang printing at distribusyon ng mga ePhilID at magpapatuloy ito hanggang sa Disyembre a-30.

Nanawagan din si Fernando sa mga opisyal ng barangay na tulungan ang registration team na umiikot sa mga barangay para mas madaling maipamahagi ang mga ePhilID ng kanilang mga nasasakupan.

Umapela din siya sa mga Aklanon na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagpa-register na mag register na at huwag nang hintayin pa na i-require ito ng mga tanggapan ng gobyerno bago magparegister.