Connect with us

Aklan News

Gobyerno probinsyal, tutol sa pagbubukas ng international flights sa Caticlan Airport

Published

on

PHOTO: https://www.skyscrapercity.com/

TUTOL ang gobyerno probinsyal ng Aklan sa pagbubukas ng mga international flights sa Godofredo P. Ramos Airport (GPRA) sa Caticlan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Vice Governor Reynaldo Quimpo, inihayag niya na malaki ang magiging implikasyon nito sa buong lalawigan ng Aklan kaya simula pa noon ay mahigpit na tinututulan ito ng lokal na pamahalaan.

“Halin pa kato umpisa nga ginbuksan ro Caticlan Airport to bigger planes hay nagpaabot ah eagi ro aton nga gobyerno probinsyal nga ro Caticlan Airport, should only be limited to domestic flights ag ro international flights kaibahan eon ro domestic flights, iya eat-ana sa Kalibo International Airport (KIA),” lahad ni Quimpo.

Pero ikinagulat nila na nagkaroon na ng inaugural flight ang GPRA mula sa Caticlan papuntang Taipei.

Kaugnay nito, agad silang nagpasa ng SP Resolution No. 2022-289 nitong Disyembre 13, 2022 na nagsasaad ng kanilang oposisyon sa paggamit ng Caticlan Airport sa mga international flights.

Iginiit niya na malaki na ang nagastos ng national at provincial government sa pagdevelop ng KIA at kapag nagpatuloy ito, malaki ang mawawala sa ekonomiya hindi lang sa bayan ng Kalibo kundi pati sa buong lalawigan.

“Abo eon ro ginasto it national government para madevelop ro KIA para ma-comply ro standards it mga international airline companies. Ag kun anda nga padayunon gid ro anda nga plano hay kabahoe ro maduea sa ekonomiya, bukon eamang it sa banwa it Kalibo kundi sa bilog nga probinsya it Aklan,” diin niya.

Ang KIA ang nagsisilbing gateway ng mga turistang bumibisita sa Aklan pero batay sa pinakahuling datos nitong Nobyembre 30, 2022, nakapagtala lang ang KIA ng 239,824 domestic passenger arrivals at 40,862 international passenger arrivals.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa 925,741 passenger arrivals ng GPRA na mayroong 36 flights sa isang araw.

Ayon pa sa bise gobernador, maraming delayed flights at reklamo ang natatanggap nila sa GPRA kaya bakit pa ito dadagdagan ng international flights.

“Averaging more than 30 flights a day, hay nagapaeanggutok, delayed flights ro mga flights dahil naga hueueatan. Indi ka landing, indi ka take off dahil nagasunod sunod. So haman it dugangan mo pa it international flights eh nagapaeanggutok eon ngani,”

Inilahad din niya na ang nasabing hakbang ay salungat sa long-term plan ng gobernador na i-develop ang iba pang tourist attractions sa Aklan.

Bukod sa Aklan Sangguniang Panlalawigan, nagpasa rin ang Kalibo Sangguniang Bayan ng resolusyon na tutol sa pagbukas ng international flights sa Caticlan Airport. /MAS