Aklan News
Lalaki, nataga sa ulo ng manliligaw ng kanyang kapatid
Nataga sa ulo ang isang lalaki matapos umawat sa away sa gitna ng kanyang barkada at dalawang oras bago ang Bagong Taon.
Kinilala ang biktimang si Reymark Navas, 25 anyos ng Brgy. Lawaan, New Washington at ang suspek naman ay ang manliligaw ng kanyang kapatid na taga Ochando, New Washington.
Batay sa nanay ng biktima, magkasamang naghihintay ng bagong taon si Reymark kasama ang mga kabarkada nito at ang grupo ng suspek sa kanilang bahay.
Pero nagkaroon ng away sa pagitan ng suspek at mga kaibigan ng biktima.
Nakakuha ng itak ang suspek at akmang tatagain na sana ang nakaaway nito pero umawat ang biktima at tinamaan ng taga sa ulo.
Nagkaroon ng crack sa bungo ng biktima at may namuong dugo sa kanyang ulo kaya kinakailangan itong dalhin sa ospital sa Iloilo.
Samantala, ang suspek naman ay kasalukuyang nakakulong sa New Washington PNP.