Connect with us

Aklan News

Boracay tourist arrival sa buwan ng Disyembre sumampa sa mahigit 172K

Published

on

Boracay tourist arrival sa buwan ng Disyembre sumampa sa mahigit 172K

Sumampa sa 172, 852 ang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay sa buwan ng Disyembre 2022.

Mas mataas ito ng mahigit 33K kumpara noong buwan ng Nobyembre na mayroon lamang 139,634 tourist arrival.

Mula sa nasabing bilang, tumaas sa 138,096 ang bilang nga mga domestic tourist, 6,310 ang mga OFWs/OFs samantalang 28,446 naman ang mga foreign tourist.

Mas marami ang  bumisita sa Boracay Island nitong holiday season kung saan karamihan ay piniling magpasko at salubungin ang bagong taon sa sikat na isla.