Aklan News
Senior citizen, patay matapos malunod sa creek ng Libacao
Wala ng buhay ng makita ang isang senior citizen kaninang alas-11:30 sa Brgy.Agmailig Libacao Aklan.
Kinilala ang biktima na si Pacita Apolinario 63 anyos ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng Libacao Pnp nag inuman umano ang biktima sa bahay ni Mark John Plaza noong nakaraang araw at bandang alas ng gabi umuwi ito sa kanilang bahay at tumawid sa ilog.
Dahil sa malakas na daloy ng tubig ay tinangay ito.
Napag alamang lasing ang biktima ng mangyari ang insidente.
Wala namang nakikitang foul play ang mga kapulisan hinggil sa insidente.
Continue Reading