Aklan News
Wanted sa kasong paglabag sa cockfighting law, arestado
Nasakote ng Aklan Trackers Team at Nabas Municipal Police Station ang isang wanted person sa kasong palabag sa Cockfighting Law of 1974, o PD 449 as amended by PD 1602 sa Brgy. Toledo, Nabas kahapon ng hapon.
Inaresto ang akusado base sa Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Maribel De Guia-Cipriano, Presiding Judge ng MCTC, 6th Judicial Region, Ibajay-Nabas Aklan.
20,000 pesos ang itinakdang piyansa para sa temporaryong kalayaan ng akusado na hindi na pinangalanang.
Sa ngayon ay naka kulong na ito sa Nabas Municipal Police Station at nakatakdang i-turn over sa korte para sa karagdagang disposisyon.
Continue Reading