Aklan News
Mga turistang Chinese, inaasahan muli sa isla ng Boracay


INAASAHAN ngayon ng Malay Tourism Office ang muling pagbabalik sigla ng mga Chinese tourist sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Tourism Office Chief Felix Delos Santos, kamakailan ay bumisita sa isla ang Chinese ambassador kung saan nagsagawa sila ng assessmnent at evaluation.
Kasama sa mga nais malaman ng Chinese ambassador ay ang mga room numbers at DOT accredited establishments sa isla ng Boracay.
“So far, ang gin-istoryahan malang didto is more on assessment and evaluation. Like for us sa Malay Tourism Office, ang gusto lang nila masayran ang numbers sang rooms kag as well ang mga DOT accredited establishments,” pahayag ni Delos Santos.
Gayundin ang peace and orders at kung sapat ba ang manpower ng mga PNP para sa seguridad ng bawat turista sa isla.
Kasama rin sa kanilang tiningnan kung may sapat na rescuers at beachguards na nagbabantay sa dalampasigan.
Positibo naman si Delos Santos na sa susunod na mga araw ay may mga Chinese tourist na ang bibisita sa Boracay matapos na naging maganda naman umano ang impression ng Chinese ambassador sa kanilang naging experience sa Boracay Island.
Matatandaang noong pre-pandemic, nangunguna ang mga Chinese nationals sa mga turistang bumibisita sa sikat na isla ng Boracay.