Connect with us

Aklan News

Aklan, may 22 kaso ng dengue simula Enero 1 hanggang 14

Published

on

Nakapagtala na ang Aklan ng 22 kaso ng dengue simula unang araw ng Enero 2023 hanggang Enero 14.

Batay sa datos mula sa DOH Western Visayas, limang bagong kaso ang nailista sa loob lamang ng halos isang linggo o mula Enero 8 hanggang Enero 14.

Lumalabas din sa datos na 54% ng mga tinamaan ng dengue ay mga batang nasa edad 1 hanggang sampung taong gulang.

Makikita rin sa datos na ibinahagi ng DOH na 176 na ang total cases ng dengue sa buong Rehiyon 6 simula January 1-14, 2023, mas mataas ito ng 76% kumpara sa parehong panahon noong 2022.

Samantala, wala namang naitalang namatay dahil sa sakit.

Kasalukuyang nangunguna ang Negros Occidental sa may pinakamaramig kaso na umabot sa 57 na sinundan ng Antique na may 30.