Aklan News
Team effort, koordinasyon susi sa mga maayos at matagumpay na event sa isla ng Boracay
“Team effort at coordination.”
Ito ang naging sagot ni PLtCol Don Dicksie De Dios hepe ng Malay PNP nang matanong kung ano ang kanilang ginagamit na security task group sa pagpapanatili ng mga maayos at matagumpay ng mga event sa isla ng Boracay.
Kasunod din ito ng kanyang pahayag na nananatili pa rin sa 100 percent ang security measures na ipinapatupad ngayon para sa nagpapatuloy na 3rd ASEAN Digital Ministers Meeting sa isla.
“Well as early as February 4 kasi noong nagdeploy tayo, 100 percent nay un. So hanggang ngayon we are continuing to sustain that, nasa sustainment stage tayo up to matapos itong ating activities dito regarding sa ASEAN meetings. Sa ngayon, ganun pa rin tayo nasa 100% tayo including the emergency preparedness services natin, lahat yan. So sinu-sustain nalang natin hopefully hanggang sa matapos and if God-willing magiging successful itong security preparations natin dito without any untowards incidents,” pahayag ni De Dios.
Malaki din aniya ang naging partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan sa Boracay.
“Napaka-importante, kasi tayo limited lang yung ating participation. We are in securing lang… masiguro yung peace and order. Pero ang pag-entertain kasi in general sa ating mga delegates lalo na kapag lalabas sila at mamamasyal, so it is the community na nakikita nila na mapagtatanungan, mag-eentertain sa kanila. Kaya napakalaking bagay yung tulong ng ating komunidad dito,” saad pa nito.
Samantala, binigyan-diin ni De Dios na dahil sa team effort at koordinasyon ng lahat ng ahensiya mula sa LGU hanggang sa iba’t-ibang departamento sa bayan ng Malay kung kaya’t napapanatili nilang maayos at matagumpay ang mga isinasagawang aktibidad at okasyon sa Boracay.