Connect with us

Aklan News

2 binatang naglalaro ng online game, bugbog sarado sa apat na kalalakihan

Published

on

PHOTO: MJ Reyes Ruiz/Facebook

Bugbog-sarado ang dalawang binata makaraang pagtutulungang gulpihin ng apat na mga kalalakihan sa may New Washington Public Cemetery.

Kinilala ang bugbog-saradong biktima na si John Mark Ruiz isang welder at ang kasama nitong si Roberto Sartiga, 20 anyos, kapwa mga taga Sitio Malogo, Poblacion, New Washington.

Natukoy naman ang mga suspek na sina Mico Andrade, 24 anyos ng Brgy. Polo; Rodny Simeon, 19 anyos ng Brgy. Poblacion, New Washington; John Lee Alcante ng Brgy. Navitas, Numancia at Darren Ureta ng Poblacion, New Washington.

Naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Linggo kung saan, naglalaro ng online game ang mga biktima nang lapitan ng mga suspek at pinagbubugbog gamit ang bato.

Kinailangang i-admit sa ospital si Ruiz dahil sa mga tinamong sugat.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Andrade at Simeon habang patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang nakatakas.