Connect with us

Aklan News

4,227 mahihirap sa Aklan, idadagdag sa listahan ng 4Ps beneficiaries

Published

on

Kabuuang 4,227 na mga bagong miyembro ang madadagdag sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa lalawigan ng Aklan.

Ito, ayon kay 4Ps OIC Provincial Link Stephen Suajico Jr. ang papalit sa mga miyembrong nag-graduate na sa nasabing programa noong nakaraang taon.

Aniya pa, ang mga tinanggal sa listahan ay ang mga miyembro na pasok sa kategoryang ‘non-poor’ at wala ng anak na 18 years old and below.

“May una kita nga bag-o nga mga replacement para sa aton nga mga nag-graduate ku last year nga 4Ps nga owa eon it below 18 ag mga ginpangbuoe naton nga mga non-poor nga mga 4Ps member nga ginpa-graduate naton ku November. Ag sa daya nga dag-on may aton nga replacement nga magabueos kanda nga 4227,” pahayag ni Suajico sa panayam ng Radyo Todo.

“Pero ro ginpapanaog nga listahan from central office hay 6159 ro potential nga maging benefeciaries,” saad pa nito.

Subalit, 4,227 pa lamang ang nakapasa sa isinagawang evaluation ng DSWD.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay isa sa mga programa ng pamahalaan na matulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.