Aklan News
Dalagitang sinasabunutan sa viral video balak ibugaw sa Aeta
“May gintrato kuno imaw nga ati para sang unga, kumbaga parang bugaw imaw.”
Ito ang ibinunyag ni Shiela Maming Cabrera, ina ng dalagitang nasa viral video na binubully at sinasabunutan ng kanyang kaibigan sa bayan ng Kalibo.
Aniya ito ang inamin ng kanyang anak matapos niyang tanungin ang totoong nangyari.
“Nag-adto kuno sanda ron sa Bulwang ag may gintrato kuno imaw nga Ati para sang unga, duyon do sugid sang unga, kumbaga parang bugaw imaw,” kwento nito sa Radyo Todo.
Hindi umano natuloy ang sinasabing pambubugaw sa kanyang anak matapos mapigilan ng isa pa nitong kaibigan na kakilala ng kanyang kuya.
Dahil dito, ay nagdesisyon umano ang kanyang anak na umuwi na lamang sa bayan ng Kalibo ngunit hinabol ito ng kanyang mga kaibigan sa may bahagi ng Kalibo-Numancia bridge kung saan doon nangyari ang pambubully at pananabunot sa kanya.
Makikita kasi sa video na hinabol ang biktima ng babaeng nakasuot ng dilaw na damit sabay hablot sa kanyang buhok ng maka-ilang beses.
Pilit namang umiiwas ang biktima ngunit ayaw ito tantanan ng kanyang kaibigan kasama ang isa pang babaeng kumukuha ng naturang video habang tumatawa.
Saad pa ng ina nito, halos madurog ang kanyang puso habang pinapanuod ang video dahil hindi niya lubos maisip na may gumagawa ng pananakit sa kanyang anak.
Naghihirap umano siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang may ipakain at pantustos sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak.
“Pagtan-aw ko it video ngaron, indi ko maintindihan. Gakurog ako sa kaakig ag kaeuoy sang unga nga habang gatikang ang unga ngaron anang ginasinabunutan,” pahayag ng pa nito.
Napag-alaman na hiwalay na sa asawa ang ina ng biktima kung kaya’t mag-isa na lamang ito itinataguyod ang kanyang mga anak.
Sa kabilang banda, pursigido si Cabrera na magsampa ng reklamo laban sa mga nanakit sa kanyang anak.