Connect with us

Aklan News

Aklan, magiging host ng WVRAA meet 2023 sa Abril

Published

on

AKLAN, MAGIGING HOST NG WVRAA MEET 2023 SA ABRIL

Magiging host ang lalawigan ng Aklan ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) meet 2023 na nakatakdang ganapin mula Abril 24 hanggang 28 ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng Dr. Feliciano Buenafe, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) Aklan sa panayam ng Radyo Todo.

“Bag-o lang nga natapos ang aton nga meeting sa aton nga WVRAA board kag na-confirmed na nga diri na pagahiwaton ang aton nga WVRAA Meet 2023,” ani nito.

Aniya pa, puspusan na ang paghahanda ng Deped Aklan upang maging isang tagumpay ang malaking sports event na ito sa buong Region 6.

Lubos din ang pasasalamat ni Buenafe sa Aklan Provincial Government sa tulong at suporta para sa nasabing event.

Kaugnay nito, nagsagawa na sila ng inspection sa mga magiging billeting quarter at venues ng iba’t-ibang laro kung saan kaunti na lamang aniya ang kailangang ayusin.

Saad pa ni Dr. Buenafe, sa ngayon ay wala pa silang hawak na numero ng mga atletang kalahok sa WVRAA meet ngunit ipinasiguro nito ang kanilang kahandaan.

Ang WVRAA Meet 2023 ay lalahukan ng mga atleta mula sa Negros Occidental, Guimaras, Capiz, Iloilo, Antique at ang host province na Aklan.