Aklan News
Top 5 most wanted person sa Libacao, arestado
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2023/02/LIBACAO-PNP.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2023/02/LIBACAO-PNP.jpg)
Matapos ang 28 taong pagtatago, nahulog din sa kamay ng batas ang isang lalaking wanted sa pagpatay sa bayan ng Libacao.
Kinilala ang suspek na si Odelon Zapatos at itinuturing na Top 5 Most Wanted ng Libacao PNP.
Natunton ang lokasyon ni Zapatos matapos ang matagumpay na surveillance ng mga intelligence operatives ng Libacao PNP.
Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case Number 4043 sa kasong HOMICIDE na inisyu ni Hon. Marietta J. Homena Valencia, Presiding Judge, RTC Branch 1, Kalibo, Aklan na may petsang August 7, 1995.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Libacao PNP para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading