Connect with us

Aklan News

Kampanya kontra sunog, sumipa na sa pagpasok ng Fire Prevention Month

Published

on

File Photo/Radyo Todo Aklan

Bilang pagsisimula ng Fire Prevention Month, nagsagawa ng motorcade ang Kalibo FireStation para sa Kick-Off Program kaninang alas-8 ng umaga.

Narinig ang pagwang-wang ng mga fire trucks ng Bureau of Fire Kalibo kahit maulan kasama ang iba pang force multipliers bilang paalala na simula na ng Fire Prevention Month ngayong unang araw ng Marso.

Ang Fire Prevention month ay taunang isinasagawa tuwing buwan ng Marso.

Simula kasi umano ito ng pagtaas ng temperatura na maaaring makadagdag sa posibilidad na magkaroon ng sunog.

Bukod sa motorcade, marami pang ibang aktibidad na inihanda ang BFP gaya ng “Bumbero, Friends and Pets safety advocacy walk” na isinagawa rin kaninang umaga.