Connect with us

Aklan News

Wanted notoryus kawatan na nagnakaw ng P1.3m na halaga ng ari-arian sa isang pamamahay sa Kalibo, hinuli

Published

on

PHOTO: Banga Municipal Police Station

Hinuli ng mga kapulisan ang isang wanted notoryus na kawatan na itinuturong nagtangay ng P1.3 milyong halaga ng mga ari-arian sa isang pribadong pamamahay sa bayan ng Kalibo 5 taon na ang nakalilipas.

Dinakip ang 29 anyos na suspek na residente ng Brgy. Bacan, Banga sa bisa ng warrant of arrest nitong Miyerkules, Marso 8.

Batay sa Banga PNP, itinuturing na notoryus ang suspek na pinaniniwalaang mag-isang nag-ooperate hindi lang sa Aklan kundi pati sa mga kalapit na probinsya.

Napag-alaman din na marami nang mga robbery cases ang akusado mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa Panay Island.

“Subject wanted person is considered to be a notorious robber believed to be operating alone not just in Aklan but in nearby provinces as well,” saad sa ulat ng Banga PNP.

Naaresto ang suspek sa pagtutulungan ng Provincial Intelligence Unit, Aklan Trackers Team of Aklan Police Provincial Office, Provincial Highway Patrol Team – Aklan, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Aklan.