Aklan News
Motoristang magsusundo sana ng kapatid sa airport, na hit and run
Nabiktima ng hit and run ang isang motoristang magsusundo lang sana ng kanyang kapatid sa Kalibo International Airport.
Kinilala ang biktimang si Jimmy Andrade, 49, taga Cawayan, New Washington.
Batay sa ulat, papunta sana sa airport si Andrade para sunduin ang kanyang kapatid.
Pero naubusan ito ng gasolina kaya dumaan sa isang gasoline station sa Andagao.
Paliko na sana ito sa gasolinahan nang salpukin ng isang motorista.
Nawalan ng malay ang biktim kaya dinala sa ospital.
Nagtamo ito ng bali sa balikat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang driver naman na sumagasa sa kanya ay dumeretso papalayo at agad na tumakas.
Continue Reading