Aklan News
Wanted person arestado sa Numancia
Inaresto ng mga kapulisan ang isang wanted person sa bayan ng Numancia.
Dakong alas-4:30 kahapon nang dakpin ng mga otoridad ang akusadong si Mark Belinario, 30 anyos, residente ng Brgy. Laguinbanwa East, Numancia.
Isinerbe kay Belinario ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec. 5(B) ng R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act na inisyu ni Bienvenido P. Barrios Jr , Presiding Judge of Municipal Trial Court, Sixth Judicial Region Kalibo, Aklan.
Itinakda ng korte ang piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ikinustodiya ang akusado sa Numancia PNP Station para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading