Connect with us

Aklan News

Bagong Kalibo Public Market, posibleng umpisahan sa Mayo o Hunyo – LGU Spox

Published

on

POSIBLENG simulan na sa buwan ng Mayo o Hunyo ang konstruksiyon ng Bagong Kalibo Public Market.

Ito ang kinumpirma ni Mark Sy, spokesperson ng Office of the Mayor sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, isasagawa ang groundbreaking ceremony sa darating na Marso a-30.

Matapos aniya ang groundbreaking ay maari nang masimulan ang konstruksiyon nito.

“Sambilog pa nga ginahueat nanda karon is ro ECC kat Environmental Compliance Certificate it DENR tapos i-proceed eon dayon ro mobilization it request it contractor. Siguro mga May or June  gid ro start it construction,” ani Sy.

Ipinaliwanag din ni Sy kung bakit walang local contractor ang sumali sa bidding para sa naturang proyekto.

Giit ng tagapagsalita ni Mayor Juris Sucro, iisa lamang ang nagpakita ng intention at ang naturang bidder lamang ang may akmang lisensiya para dito.

Binigyan-diin nito na bukas sa lahat ang bidding at nai-post ito sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

“Actually, ginpost man ron sa PhilGEPS ag base sa requirements abi medyo ro contractor hay mabahoe ro amount it project. Sa akon nga pagkasayod abi hay may rate kung ano ro pwede nga lisensiya sa mga mawron ngaron. So owa ako kasayod kung ham-an nga sambilog eang pero sambilog eang ro nagbakae dahil imaw mat-a ro nag pakita it intention nga mag-intra sa bidding. Pero open mat-a ro bidding ngaron,” pahayag ni Sy.

Kaugnay nito, inihayag ng tagapagsalita ng alkalde na nagkakahalaga ng P300-M ang pondo para sa konstruksiyon ng Bagong Kalibo Public Market.

Target namang matapos ang konstruksiyon ng Bagong Kalibo Public Market sa susunod na taon.