Connect with us

Aklan News

Comelec-Aklan Spox: “Madayon gid ro election”

Published

on

Ipinasiguro ni Commission on Elections (COMELEC) Aklan Spokesperson Crispin Reymund Gerardo na tuloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Kasunod ito ng inilabas na updated calendar of activities ng COMELEC para sa BSKE na itinakda sa Oktubre 30.

“Daya ro aktibidades nga gintaeana o ginpahaum it aton nga Commission on Elections in preparation para sa paaeabuton nga election. So kung may naghambae eon nga may nagguwa eon nga Calendar of Activities, most likely, may election nga paaeabuton. Madayon gid ro election,” ani Gerardo.

Dagdag pa nito,”So rest assured nga may una kita nga election. Parang mabahoe ra nga assurance sa parte it aton nga mga pumueoyo nga may aton gid nga pagahimuon nga election para sa paaeabuton ng Oktubre.”

Sa nasabing calendar of activities, ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) ay magsisimula sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Binigyan-diin ni Gerardo na ang bawat calendar of activities ay may kaakibat na resolution.

“Kada activity nga nakataeana ngaron, may kaakibat ron imaw nga resolution regarding sa pagfile man it Certificates of Candidacy. Hueat eamang naton ron agod kung magguwa ro resolution ngaron,” wika nito.

Samantala, simula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18, bawal na ang pangangampanya kung saan ito ang magbibigay daan para sa campaign period sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28.

Muling ipagbabawal ang pangangampanya mula Oktubre 29 hanggang Oktubre 30, kasama ang pagbebenta, pagbili, o pag-inom ng mga alcoholic drinks.

Sa mismong araw naman ng halalan sa Oktubre a-30, magsisimula ang botohan alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Kaugnay nito, pinalawig pa ng Comelec ang gun ban para sa BSKE mula Agosto 28 hanggang Nobyembre a-29.