Aklan News
Kuya, inasarol ng nakababatang kapatid


Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang kuya na inasarol ng kanyang kapatid nitong gabi ng Sabado sa Brgy. Tina, Makato.
Magkasama umanong nag inuman ang biktimang si Armando Tropa, 49 anyos at ang kanyang nakababatang kapatid na si Larry Tropa bago ang insidente.
Dahil sa kalasingan, nagdiskusyon at nagkainitan ang dalawa na humantong sa pag-asarol ng suspek sa kanyang kuya.
Batay sa Makato PNP, sinubukan pa ng suspek na tumakas pero kalaunan ay isinuko din ito ng kanyang iba pang kapatid.
Nakalabas din ito kahapon matapos magkasundo ang pamilya na hindi na magsasampa ng kaso.
Continue Reading