Aklan News
EOD & K9 Unit-Aklan nakatanggap ng anti-terrorism equipments mula sa US
Nakatanggap ng mahigit P3.4M na halaga ng mga anti-terrorism equipments ang Provincial Explosive Ordnance Disposal & Canine Unit-Aklan mula sa US Government.
Ito ay sa ilalim ng Anti Terrorism Assistance Program ng Deplomatic Security Service ng US Embassy.
Ang nasabing anti-terrorism equipments ay kinabibilangan ng isang EOD 9A Bombsuit, Digital SCANX at X-ray machine.
Malaking tulong ito para sa pagpapalakas ng capabilities ng Provincial EOD K9 Unit sa pag-detect, pagpigil at kaagad na pagresponde kapag mayroong bomba o sa kahit anong klase ng terrorist threat sa lalawigan ng Aklan.
Kahapon ay nagsagawa ng official demonstration ang EOD unit ng Aklan sa kung paano suotin at gamitin ang naturang bombsuit gayundin kung paano mas mabilis na nakaka-detect ng bomba ang naturang X-Ray machine.
Ayon kay PLt. Benjie De Pedro ng Aklan Explosive Ordnance Divison, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakagamit sila ng mga makabagong teknolohiya.
Aniya pa, maituturing na swerte ang lalawigan ng Aklan matapos mapagkalooban ng naturang mga equipment mula sa US Embassy kung saan malaking tulong para sa lalawigan lalo na sa isla ng Boracay na palaging pinagdadausan ng mga malalaking event sa bansa.