Connect with us

Aklan News

Ordinansa laban sa mga pekeng produkto, isinusulong sa Sangguniang Bayan ng Kalibo

Published

on

ISINUSULONG ngayon ni SB member Atty. Christine Dela Cruz sa Sangguniang Bayan ang isang ordinansa upang masawata ang pagdami ng mga pekeng produkto sa bayan ng Kalibo.

Ang nasabing ordinansa ay pinamagatang “An ordinance to curtail the sale, rental, transfer, distribution, manufacture and/or production of pirated, counterfeit or fake goods, articles or services, and for other purposes.”

Ayon kay SB Member Dela Cruz, nais niya lamang maprotektahan ang intellectual property ng bawat isa.

Aniya pa, ito ay isang batas kung kaya’t nais niya itong mahigpit na ipatupad sa bayan ng Kalibo.

“Akon mat-a abi is just to protect ro intellectual property. Siyempre layi ta ron imaw nga ginapasa as a local government unit hay we need also to follow all these laws mawron gani kinahang-ean man nga i-implement naton iya sa aton,” ani Dela Cruz.

Nais ng konsehala na gumawa at tangkilikin ang mga orihinal na likha ng mga Kalibonhon at hindi dapat maengganyo sa pagbili ng peke

Sa oras na maipatupad ang nasabing ordinansa, ang sinumang lalabag ay magbabayad ng penenalidad na P2,500 o maaring makulong ng hanggang anim na buwan.|RT/SM