Connect with us

Aklan News

Siyam na bala ng baril inilagay sa loob ng bahay ng isang anchorman ng Radyo Todo Aklan

Published

on

Laking gulat ni Katodo Rolly Herrera matapos na madatnan sa loob ng kanyang bahay ang siyam na buhay na bala ng baril kagabi sa Brgy. Tibiawan, Makato.

Unang natagpuan ng komentarista ang walong mga bala na nakapatong sa upuan ng kanilang sala pag-uwi niya mga dakong alas-7:00 kagabi.

Inakala niya umanong laruan lang ang mga ito pero nang usisain ay napag-alaman na bala ito ng 9mm na baril.

Bukod dito, may nakahiwalay na isa pang bala ng baril na kanyang natagpuan sa higaan.

Posible umanong mga dakong alas-4:00 ng hapon ipinuslit ang mga bala habang nakabukas ang kanilang bahay at nag-iigib ng tubig ang kanyang asawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung sino ang nagdala ng mga bala sa bahay ng komentarista ng Radyo Todo.

Pinaniniwalaan ni Herrera ito ay banta sa kanyang buhay bilang isang mediaman.