Aklan News
Lalaki natagpuang wala nang buhay sa isang irigasyon


Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa irigasyon ng Linabuan Norte sa bayan ng Kalibo nitong Abril a-21.
Kinilala ang nasabing lalaki na si Darrio Natabio, 22-anyos at residente ng barangay Tigayon sa nabanggit na bayan.
Ayon sa Kalibo PNP, naaksidente si Natabio sa kanyang sinasakyang motorsiklo at tumilapon sa bahagi ng irigasyon.
Napag-alaman na gabi pa ng Abril a-20 nangyari ang nasabing aksidente.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, inihatid ng biktima ang kanyang pinsan subalit naaksidente sa kanyang pag-uwi.
Nagtamo ito ng sugat sa kanyang may ulo na naging kadahilanan ng kanyang pagkamatay.
Continue Reading