Aklan News
DILG Sec. Abalos, magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng WVRAA Meet 2023
Nakatakdang dumalo si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalor Jr. bilang keynote speaker sa pagbukas ng Western Visayas Regional Athletic Association o WVRAA Meet 2023 sa ABL Sports Complex, Calangcang, Makato, Aklan, bukas, Abril 26.
Inaasahan rin ang pagdalo sa pagbukas ng WVRAA meet ang ilan sa mga matatas na opisyal mula sa lalawigan ng Antique,Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental at ang host province na Aklan.
Gayundin ang mga opisyal ng Department of Education Region 6.
Magiging mainit ang kompetisyon ng anim na mga lalawigan sa 24 na mga laro gaya ng Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Baseball, Basketball, Billiard, Boxing, Chess, Dance Sport, Football, Futsal, Gymnastics, Paralympics, Pencak Silat, Sepak Takraw, Softball, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Volleyball, Wrestiling at Wushu.
Nauna nang sinabi ni Aklan Schools Division Superitendent Dr. Feleciano Buenafe Jr. na sisikapin ng DepEd at ng Aklan Provincial Government na maging matiwasay at amatagumpay ang pag-host ng lalawigan ng WVRAA Meet 2023.
Kaugnay nito, inilatag na ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang kanilang security plan at measures para masiguro ang kaligtasan ng bawat atleta at delegado sa nasabing sporting events.