Connect with us

Aklan News

Sen. Legarda, magbibigay ng P50M para sa ABL Sports Complex at P1.3M para sa scholarship

Published

on

Photo: Aklan Information and Media Affairs Division

Magbibigay ng P50 million para sa ABL Sports Complex at P1.3 million para sa scholarship sa Aklan State University si Senator Loren Legarda.

Ipinahayag ito ni Legarda sa kanyang mensahe kahapon bilang panauhin sa Commemorative Program para sa selebrasyon ng 67th Aklan Foundation Day.

Inisa-isa ni Legarda ang mga tulong na naibahagi sa Aklan at pati na rin ang mga proyektong balak nitong gawin.

Inanunsyo ng senador na magbibigay siya ng P1.3 milyon para sa scholarship ng mga mag-aaral sa Aklan State University at maglalaan ng P50 milyong pondo para gawing pang international standard ang ABL Sports Complex.

“In next year’s budget, I will allocate P50 million, ganyan ko kamahal kayo. Hindi man kayo humihingi, binibigay ko na,”saad ng senadora.

Kaugnay nito, nabangggit din ni Legarda ang pagpapatupad ng ecological solid waste management sa isla ng Boracay.

“We only have 3 barangays, if we implement ecological solid waste management. Pag naghihiwalay tayo ng basura at source, recycle and compost, hindi na po kailangan dalhin sa mainland Aklan ang basura. Pag binabaon natin sa lupa ang food waste, meron na tayong organic fertilizer para sa mga gulayan na pwede natin kainin at ibenta sa mga turista. At yung mga recyclable naman ay pwedeng ibenta para may income ang mga tao,” lahad niya.

Aniya, nais niyang tumulong sa paglaan ng pondo at resources ng gobyerno para hindi na kailanganin na dalhin sa mga dumpsites sa mainland ang mga basura mula sa tatlong barangay sa Boracay.

Dagdag pa niya, “I want to help out and put the necessary funds and resources and training for the island of Boracay so that all the waste of the 3 barangays and the millions of tourist will not have to go to the landfills and dumpsites of the mainland.”|MAS