Aklan News
Aklan Provincial rescuelympics, sinimulan na
Sinimulan na kahapon, araw ng Miyerkules ang 8th Aklan Provincial Rescuelympics 2023 sa Aklan Provincial Sports Complex sa Calangcang, Makato.
Isa sa mga naging panauhin si Office of Civil Defense VI Division Chief Ma. Aletha Nogra.
Aniya, binibigyang prayoridad ng Aklan ang paglinang ng kahusayan at kakayahan ng mga responders sa pagdating sa disaster preparedness at disaster response para masiguro na laging handa ang mga ito sa oras ng sakuna at rescue operations.
Dagdag pa niya, pinag-aaralan na kung paano mabibigyan ng lawful protection ang mga DRRM officers sa pamamagitan ng pagpasa ng Magna Carta for the DRRM and Civil Defense Workers.
Ayon naman kay Governor Joen Miraflores, ito ang unang beses na magho-host siya ng rescuelympics at layon nito na mas mapahusay ang abilidad ng mga emergency responders sa buong probinsya.
Kabilang sa mga aktibidad sa tatlong araw na Provincial Rescuelympics ang Fire fighting, water rescue, Basic Life Support, High angle access, mass casualty response, vehicular crash victim extrication, display rescue equipment at iba pa.
Makakatanggap ng cash prize ang mga itatanghal na panalo sa nasabing event na magtatapos bukas, Mayo 5.