Aklan News
Lalaki, maswerteng nakailag sa bala nang biglaang barilin ng brgy. tanod habang naglalakad
Nakatakdang i-inquest ngayong araw ang barangay tanod na nagpaputok ng baril sa isang lalaking naglalakad pauwi sa Brgy. Jugas, New Washington.
Kinilala ang biktimang si Rio Tupaz, 33 anyos, residente ng nasabing lugar at ang suspek na si Tommy Cristobal, 40 anyos, kapwa residente ng lugar.
Nangyari ang insidente Sabado ng madaling araw habang naglalakad ang biktima pauuwi ng kanilang bahay.
Walang anu-ano’y bigla na lamang umano siyang pinaputukan ng suspek gamit ang isang revolver.
Maswerte naman na nakailag sa bala ang biktima nang mabilis itong dumapa sa lupa.
Tinapon naman ng suspek ang baril na ginamit nito nang arestuhin ng mga kapulisan.
Kasong attempted murder ang kasong isasampa laban sa kanya.
Continue Reading