Aklan News
Bangkay na natagpuang palutang-lutang sa irigasyon sa Makato, nakilala na
Nakilala na ang bangkay ng lalaking nakasuot pa ng helmet na natagpuan sa isang irigasyon sa may diversion road ng Brgy. Calangcang, Makato nitong Lunes.
Ang biktima ay nakilalang si Joshua Franz Gaviola, isang civil engineering student na taga Ambolong, Batan.
Pinaniniwalaang noong Sabado pa ng gabi naaksidente ang biktima habang pauwi galing sa Makato sakay ng motor.
Pero kahapon lang ito natagpuan nang mapansin ng isang pahinante ng truck ang nakalutang na bangkay.
Ayon sa Makato PNP, ito na ang pang limang biktima na namatay dahil sa aksidente sa inirereklamong kalsada na madilim at walang signage.
Nito lang Marso, isa ring motorista ang nahulog sa irigasyon at binawian ng buhay.
Ipinaabot na ng punong barangay ng Calangcang maging ng alkalde ng Makato sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways ang naturang problema.