Aklan News
Mga TODA president sa Kalibo, pabor sa planong bawas-pasahe
SANG-AYON ang mga TODA president sa bayan ng Kalibo sa planong bawas-pasahe sa traysikel.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Romeo Tubalinal, presidente ng Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association Incorporated (FOKTODAI), sinabi nito na pabor sila sa planong ito ngunit kailangan munang dumaan sa proseso.
Aniya, hindi kasi pare-pareho ang rate fare ng bawat TODA na pumapasada sa bayan ng Kalibo.
Kaugnay nito, napag-usapan aniya sa kanilang isinagawang consultative meeting na magsagawa muna sila ng public hearing sa kani-kanilang barangay upang mapagkasunduan kung magkano ang ibabawas sa pamasahe gayundin kung ilan ang kailangang idagdag na pasahero.
Sa pamamagitan nito ay magiging patas para sa mga driver/operators at sa mga mananakay.