Connect with us

Aklan News

SB Rebaldo pinabulaanan na may binubuo siyang faction ng Tibyog sa Kalibo

Published

on

‘Basta nag-iba malang ako’.

Ito ang binigyan-diin ni Sangguniang Bayan member Raymar Rebaldo kasunod ng balitang may binubuo siyang faction ng Tibyog sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Rebaldo, hindi ito totoo dahil ang nangyari ay may dalawang grupo lamang siyang sinamahan upang kausapin si dating Gov. Joeben Miraflores.

Ang mga grupong ito aniya ay miyembro at tagasuporta na ng Tibyog noon pa man na nais lamang humingi ng payo sa dating gobernador ng Aklan.

“So with regards sa raya ngara nga nag-adto ako sa Ibajay, may daywang ka-grupo nga puro tanan Tibyog. Naghinyo sanda kakon kung pwede ko sanda ibhan kay former Gov. Joeben Miraflores. Siyempre mga amigo ko ron ang maeapit kakon ag anda malang nga pamanawon hay gapangayo sanda it advice kung sanda magdaeagan hay ginhambaean man sanda ni Gov. Joeben,” pahayag ni Rebaldo.

Dagdag pa nito, “Basta nag-iba malang ako. Duyon mat-a ro akon nga papel permi. Dahil kung pabay-an ko ron basi ag ro matabo karon hay hikabi pa it iba. Mga original nga Tibyog sanda ron, eversince.”

Giit pa ng opisyal, troubleshooter lamang siya upang mapanatili ang mga miyembro at mga taga-suporta sa grupo ng Tibyog.