Aklan News
Dating Gov. Miraflores at former Mayor Lachica, may niluluto para sa 2025 election?
UMUUGONG ngayon ang balita na may niluluto ang kampo ni dating Aklan Governor Joeben Miraflores kasama si former Kalibo Mayor Emerson Lachica para sa 2025 election.
Ito ay kasunod ng napabalitang pagkikita ng dalawang ‘political figure’ sa isang breakfast meeting nito lamang nakaraang buwan.
Ngunit sa panayam ng Radyo Todo kay dating Kalibo Mayor Lachica, sinabi nito na inimbitahan lamang siya ng dating gobernador para magkape at magkamustahan.
“Gin-imbita kita it aton nga dating governor, parang imbistasyon lang para magkapehan sa andang baeay,” wika ni Lachica.
Aniya, sino ba naman siya para tanggihan ang imbitasyon ng dating gobernador ng Aklan.
Actually, sang una pa kami sa serbisyo hay close mat-a ako kay dating governor Joeben,” dagdag pa nito.
Napag-usapan din aniya nila ang tungkol sa kanyang pagiging alkalde noon sa bayan ng Kalibo kung saan marami ang kaniyang kinaharap na problema.
Isa na rito ang pagkasunog ng Kalibo Public Market, dengue outbreak, pagtama ng bagyong Ursula at ang pagtama ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, ay naiahon pa rin ni Lachica ang bayan ng Kalibo.
Muli itong tumakbo sa pagka-alkalde noong May 9 elections ng nakaraang taon ngunit hindi pinalad laban sa mahigpit nitong katunggali na si dating Board Member Juris Sucro.
Si Lachica ay nakakuha lamang ng 18, 968 votes, lamang ng 6,939 boto laban kay Sucro na umani ng halos 26,000 votes noong halalan.