Connect with us

Aklan News

2 asosasyon at 8 indibidwal, nakatanggap ng proyekto mula sa BFAR Aklan

Published

on

Malugod na tinanggap ng mga benipisyaryo ang Oyster Raft Module project mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Aklan.

Sa isinagawang formal turned-over nitong umaga na ginanap sa Brgy. Polo, New Washington Aklan, ibinigay na ng nasabing ahensya sa dalawang asosasyon na kinabibilalangan ng Cawayan Vendors Bayanihan Association (CaVBA) at St. Vincent De Paul Association of Fisherfolks at walong indibidwal lahat residente ng New Washington ang mga materyales para sa nasabing proyekto.

Nagpaalala naman ang BFAR sa pangunguna ni Mr. Richard Corderi, OIC, PFO Aklan na ingatan at pagyamanin ang nasabing livelihood project na bigay ng gobeyrno para sa kanilang pangkabuhayan.

Dumalo din sa nasabing aktibidad si LTC. Luisita Clavesillas, CO, 3rd CMOBn, 3ID, PA, at nagpasalamat din sa BFAR at sa pakikipagtulungan din ng PNP at LGU New Washington dahil sa mabilis na aksyon para sa nasabing proyekto. Ang 33rd CMOBn, 3ID, PA sa pangunguna ni 2LT. Ryan Bastan ang siyang nag organisa ng CaVBA na isa sa mga benipisyaryo ng proyekto.