Connect with us

National News

₱49-M na halaga ng Shabu nasakote sa Parañaque Drug Raid!

Published

on

₱49-M halaga ng Shabu nasakote sa Parañaque Drug Raid!

Nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong indibidwal at nakumpiska ang halos Php49 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Parañaque City noong Martes ng hapon.

Ayon sa paunang ulat, inaresto ang mga suspek na sina Normina Nandang Egoy, Alfredo Ogali Egoy at Alvino Ogali Egoy sa operasyon na ginanap sa Lot 5, Block 11 Camella Homes sa Parañaque City bandang 2:30 ng hapon.

₱49-M na halaga ng Shabu nasakote sa Parañaque Drug Raid photo

Nakumpiska ng mga operatiba mula sa PDEA National Capital Region (NCR) Northern District Office, PDEA Southern District Office at National Capital Region Police Office – Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ang humigit-kumulang na pitong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP48.96 milyon, iba’t ibang gamit sa droga (weighing scale, mga plastik, lighter), pitong mobile phones, mga notebook, mga bank deposit slip, iba’t ibang financial documents at automated teller machine (ATM) cards mula sa mga suspek.

Haharap sa mga kaso ang mga suspek alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.