Aklan News
Wanted sa kasong frustrated murder, arestado
Napasakamay ng mga awtoridad ang isang wanted person sa kasong frustrated murder matapos silbihan ng warrant of arrest sa Barangay Manhanip, Malinao nitong Hunyo a-22.
Kinilala ang inaresto na si Giovanie Isuga, 42, at residente ng Brgy Cabayugan, Malinao, Aklan.
Naaresto si Isuga sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated murder na may criminal case No. 8281 na inisyu ni Hon. Elmo F. Del Rosario, Presiding Judge at may petsang November 29, 2007.
Nagtakda naman ang korte ng P200,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasa kustodiya na ngayon ng Malinao PNP si Isuga para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading