Aklan News
Dagdag na police visibility sa capitol area, inirekomenda ng Sangguniang Bayan
Inirekomenda ngayon ng Sangguniang Bayan sa Kalibo Municipal Police Station na dagdag pa ang police visibility sa bahagi ng Aklan Provincial Capitol.
Ito ay para sa seguridad at proteksyon ng mga taong dumadaan sa lugar.
Ayon kay SB member Ketchie Luces, may mga report na umano noong nakaraang buwan na may mga estudyanteng nabugbog sa nasabing lugar.
Naniniwala ang konsehal na kapag may presensiya ng mga kapulisan sa lugar ay matatakot ang mga indibidwal na gumawa ng gulo at krimen.
Dagdag pa ni SB Member Ronald Marte na maglalagay din ang barangay council ng Estancia ng kanilang tanod sa lugar para sa dagdag na seguridad.
Continue Reading