Connect with us

Aklan News

PBGen Villaflor may paki-usap sa mga hepe ng pulis sa Aklan

Published

on

“Kung magbibigay kayo ng awards, ‘yun talagang gumawa kung paano kayo nagkaroon noong accomplishments.”

Ito ang mariing paki-usap ni PBGen Sidney Villaflor, Acting Regional Director ng Police Regional Office (PRO) VI sa mga hepe ng kapulisan sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Villaflor, ang pagbibigay ng award sa mga kapulisan na nagpakita ng kagalingan sa kanilang trabaho ay nakakatulong upang mapataas ang kanilang moral bilang miyembro ng PNP.

Ngunit paalala ng opisyal, dapat ibigay ito sa miyembro ng pulis na karapat-dapat at iyon talagang umakto at nagtrabaho para sa kanilang accomplishments.

“But then, chief of police ang paki-usap ko lang, yung bibigyan niyo ng medal yun talagang umakto. Iyon talagang nagtrabaho. Iyong  talagang noong buy bust operation, siya yung sumipa ng pinto para mabuksan. ‘Yun talagang hahabulin ang suspek, siya yung tumatakbo para mahuli yung suspek,” ani Villaflor.

Saad pa nito, “Hindi siya yung driver, hindi siya yung naiwan sa opisina na gumawa ng report, hindi siya yung radio operator. Siya yun talagang umakto para mahuli yung suspek at magawa yung accomplishments na iyon.”

“Huwag yung bata niyo na taga-timpla niyo ng kape at yun ang bibigyan niyo ng award. Imbes na ma high morale yung mga tao niyo, malo-low morale yun,” dagdag pa ni Villaflor.

“So again ang paki-usap ko at gawin niyo, kung magbibigay kayo ng award, yun talagang gumawa noong act kung paano kayo nagkaroon noong accomplishments,” pagtutuloy nito.

Binigyan-diin ni Villaflor na ang paggawa ng medal ay papel lamang, tinta at kaunting pagod aniya ng gagawa pero ang epekto nito ay ang pagtaas ng moral ng mga karapat-dapat na miyembro ng pulis.

“Again, ang paggawa lang ng medal ay papel lang yan at saka tinta at saka kunting pagod nung gagawa. But then yung epekto no’n, it will make your personnel na naka-perform ng magandang trabaho ay lalong ma high morale.”