Connect with us

Aklan News

MORE Power walang proposal sa AKELCO para sa isang Joint Venture Agreement

Published

on

NILINAW ng pamunuan ng MORE Power na wala silang proposal sa AKELCO para sa isang Joint Venture Agreement (JVA).

Kaugnay ito sa isang pahinang resolusyon na ipinasa ni SB member Atty. Christine Dela Cruz sa Sangguniang Bayan ng Kalibo na may titulong “Resolution Respectfully Requesting the Local Chief Executive  Mayor Juris B. Sucro to Study the Possibility of Supporting a Joint Venture Agreement (JVA) with Aklan Electric Cooperative (AKELCO) Inc. and MORE Power (More Electric and Power Corporation).

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Jonathan Cabrera, Spokesperson/ Consultant ng MORE Power, nilinaw nito na wala silang proposal at walang nangyayaring pag-uusap sa pagitan nila at ng Akelco.

“I can categorically tell you nga owa ta kami it proposal, owa ta kami it may gin-submit, owa ta it istoryahanay nga nagakatabo with Akelco management or officers or directors,” wika ni Cabrera.

Aniya pa, “I should know. Ako gid ro una nga tawo nga makasayod karon.”

Samantala, naiintindihan aniya ng MORE Power ang nais ni SB member Dela Cruz na tingnan ang posibilidad na magkaroon ng isang Joint Venture Agreement.

Dagdag pa ni Cabrera, bukas naman sila na pag-usapan ang naturang paksa sakaling makipag-ugnayan sa kanila ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa pamamagitan ni Mayor Juris Sucro.

“But we understand kung ano siguro ro gina-mean ni SB Christine Dela Cruz nga tan-awon ro posibilidad. Siguro she just want to explore the possibility nga ‘basi pwede’. So let us see kung maipasar duyon nga resolution and if the LGU or thru Mayor Juris Sucro will reach out, iya man lang kami. I can set him a meeting with the president, with the officers para kung may mga gusto imaw nga ipangutana, open man,” pahayag pa ni Cabrera.