Aklan News
2 barangay sa Libacao, itinuturing na areas of concern ng Aklan PNP
Itinuturing ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang dalawang barangay sa bayan ng Libacao bilang areas of concern para sa nalalapit na Barangay at SK elections (BSKE).
Ito ay ang barangay Dalagsaan at barangay Manika sa Libacao.
Ayon kay PSSgt. Jane Vega, Public Information Office ng Aklan PPO, kasunod ito ng naganap na engkwentro ng mga miyembro ng military at NPA sa nabanggit na mga barangay.
Aniya pa, maaaring dahil malapit rin ang dalawang barangay sa mga border ng Aklan at karatig lalawigan.
“So, gumuwa nga ro barangay Manika ag barangay Dalagsaan hay one of the areas of concern. Probably dahil medyo maeapit-eapit ron sa mga boundaries naton,” pahayag ni PSSgt. Vega sa panayam ng Radyo Todo.
Saad pa ni Vega, hindi rin nagpapakampante ang Aklan PNP sa kabila ng pagiging insurgency free ng lalawigan simula pa noong 2011.
Kaugnay nito, ipinasiguro ng tagapagsalita ng mga kapulisan sa Aklan ang maraming deployment ng mga pulis sa nasabing lugar.
Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at hindi mabahiran ng gulo ang papalapit na halalan.