Aklan News
Kasamang NPA member ni Brenz Egudas, sumuko sa mga kapulisan
BOLUNTARYONG sumuko at inamin ni Ma. Rita Malandac sa mga kapulisan na siya ay kasapi ng Communist Terrorist Group- New People’s Army (CTG-NPA).
Si Ma. Rita ang kasama ni Brenz Egudas nang ikasa ng mga awtoridad ang isang entrapment operation nitong Hunyo a-27 sa bayan ng Makato, Aklan.
Sa press conference kahapon, sinabi ni Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) 6 spokesperson Atty. Flosemer Chris Gonzales na si Rita ay isang halimbawa ng Pilipino na ginawang aktibista pero naging terorista ay ngayon ay bumalik-loob sa pamahalaan.
Aniya pa, naranasan na rin umano ni Rita ang magbitbit ng mahigit 20 hanggang 30 kilos ng backpack sa mga kabundukan habang may hawak na baril.
Dagdag pa ni Gonzales, sa liit ng katawan ni Rita ay pumayag itong pagbuhatin ng gano’n kabigat habang nagma-martsa.
Ayon pa kay Atty. Gonzales, ang mga linyahang, “mayaman ang Pilipinas pero mahirap ang Pilipino” ang bumenta sa mga kagaya ni Rita kung kaya’t na-recruit ito ng mga NPA.
Ito ay dahil pinaniniwala umano ang mga ito na may ginagawa sila para sa lipunan at sa huli ay mapagtatanto nila na ginagamit lamang sila at saka maiisipang bumalik na lamang sa kanilang normal na buhay.