Connect with us

Aklan News

Motu propio investigation ikinasa ng Aklan PNP-IAS vs pulis na nakabaril ng sibilyan sa Boracay

Published

on

NAGSASAGAWA na ng motu propio investigation ang Police Internal Affairs Service (PIAS) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) kaugnay sa nangyaring umano’y aksidenteng pagkabaril ng isang police officer ng Malay PNP sa isang subject person nito sa kanilang Anti-illegal Cockfighting operation sa isla ng Boracay.

Ayon kay PCapt. Rogem Batacandulo ng IAS-APPO layon ng kanilang ikinasang imbestigasyon na matukoy kung ang pagputok nga ba ng baril ng nasabing pulis ay aksidente lamang.

Aniya pa, nais rin nilang malaman kung ang pagggamit ng armas ng mga Operating Team ay nakabatay sa pagtupad ng kanilang trabaho bilang isang miyembro ng PNP.

Batay aniya sa kanilang nakuhang reports, nagsasagawa noon ng operasyon ang Malay PNP laban sa illegal cockfighting sa naturang lugar kung saan nagresulta sa pagka-aresto sa mga subject person.

Nangangahulugan ayon kay Batacandulo na lehitimo ang naturang operasyon subalit habang inaaresto ang mga subject person, ang isa sa mga pulis ng nasabing operating team ay umano’y natisod dahilan na nakalabit nito ang gatilyo ng kanyang hawak na service firearms at pumutok ito.

Aksidente naman itong tumama sa isa sa mga tumatakas na subject person.

Dahil dito, magsasagawa aniya sila ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang totoong nangyari.

“Base sa facts sa mga reports sa pag-imbestigar namon, ang aton nga Malay MPS nag-conduct sang operation sa illegal cockfighting sa sina nga lugar kag during sa ila nga pag-raid, may naaresto sila, may recovery sila. Indeed, the operation is legitimate but unfortunately, during the raid, during the pursuit sa pag-aresto sa iban nga mga subject, ang isa ka pulis, accordingly, nasandan ni siya nga nagresulta sa accidentally discharge sang firearms niya and unfortunately naigo ang isa ka subject nga during that time ara sa cockfighting. So amu na ang mga sirkumstansiya nga naglupok kag naigo ang biktima,” pahayag ni Batacandulo.

Dagdag pa nito,”We are conducting moto-propio investigation, gathering of facts and determination sang jurisdiction namon sa sini nga case.”

“One thing is sure, ang case is within our jurisdiction kag isa ka bagay nga magasaka gid ini sa pre-charge investigation and summaring hearing para sa pag-determine if indeed ang paglupok sa iya firearms is justified or accident,” pagtutuloy pa ng opisyal.

Samantala, mahigpit na paalala ni Batacandulo sa mga kapulisan na laging tandaan na kailangang maging maingat sila sa paghawak ng kanilang mga baril upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente lalo na sa kanilang mga police operations.

Binigyan-diin nito na hindi naman kailangan ng mga pulis na gamitin ang kanilang baril kung wala namang dulot na panganib ang isang subject person laban sa kanila lalo na kung ito ay tumatangka nang tumakas.