Connect with us

Aklan News

Mga vendor na gumagamit ng dilaw na bumbilya sa Kalibo Public Market, minultahan

Published

on

Kinumpiska ng Market Administration Division ang mga dilaw na bumbilya na ginagamit ng mga vendors sa Kalibo Public Market ngayong Lunes ng umaga.

Nasa kabuuang 13 mga bumbilya ang nakuha mula sa mga nagtitinda ng karne at isda sa inspeksyon na pinangunahan ni Market Enforcer Melvin Siendon.

Nauna nang binigyan ng abiso ang mga vendors tatlong araw simula noong Biyernes, Hulyo 21, para palitan ang kanilang mga gamit na bumbilya.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ang paggamit ng dilaw na bumbilya base sa Consumer Act of the Philippines.

Kung matatandaan, nito lang Hulyo 14, personal na nagsagawa ng meat inspection sa Kalibo Public Market ang mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region VI at nagbabala tungkol sa mga nakita nilang paglabag ng ilang nagtitinda sa palengke.

Via Johnrel Bangs Melgar