Connect with us

Aklan News

AKELCO may sapat na suplay ng kuryente – GM Gepty

Published

on

Ipinasiguro ni Aklan Electeric Cooperative (Akelco) General Manager Atty. Ariel Gepty na mayroong sapat na suplay ng kuryente sa lalawigan.

Ito ay sa kabilang ng ilang araw na patay-sinding suplay ng kuryente na nararanasan ng mga member-consumer sa Aklan.

Ayon kay Gepty, ang mga unscheduled power interruptions na nangyari simula noong araw ng Lunes, Hulyo a-24 ay dahil sa nagkaproblema ang mga linya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“Gusto ko eang anay ipa-abot ro mga rason kung ham-an may una kita nga power interruptions. Nag-umpisa ra it gabie it Hulyo 24 o Lunes nga adlaw it gabie. Ro nuna nga pagpaeong hay mga alas-9:00 rong oras ag ro anang kahaba it pagpaeong hay mga 5 or 6 nga minuto ag raya hay bangod sa NGCP nga problema. Tapos ku Hulyo 25, mga alas-2 it aga-aga hay napaeong euman kita ag napaeong ra it mga 15 minutos, problema man ni NGCP,” pahayag ni Gepty.

“Tapos pag alas-11, alas-12 ag manug ala-una ag alas-2:30 it hapon it duyong nga Hulyo 25 ngara, raya ro mga oras nga sigidas ro kabaskog it hangin iya sa western part it aton nga probinsiya it Aklan ag ro iba man siguro hay nabatyagan man naton iya sa eastern part. Raya ngara hay nag-tripping ro aton nga 69KV it aton nga NGCP,” dagdag nito.

“Hatuipan it aton nga partner sa NGCP nga ro aton gali nga Timbaban Hydropower Plant iya sa Madalag, ro anda nga sub-transmission nga naga-connect sa 69KV iya sa may Calizo, Balete [anda nga switching station duyon] hay rato ro dahilan it tripping nga sigidas. So bangod kato, gindesisyunan it NGCP nga i-isolate ro sub-transmission it daya nga Timbaban Hydropower Plant. So duyon ro mga rason nga halin sa NGCP,” pagpapatuloy ni Gepty.

Kaugnay nito, ipinasiguro ni GM Gepty na sinisikap na ngayon ng AKELCO na maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Aklan matapos masira ang ilang mga poste at linya ng kuryente dahil sa malakas na hangin dulot ng pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.